Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

39

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Occidental, alas-10:02 kaninang umaga.

Naitala ang episentro ng lindol sa bayan ng Jose Abad Santos.


May lalim ito ng 113 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang pinsala dahil sa lindol pero posibleng magkaroon ng mga aftershock.

Kahapon din nang tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa Don Marcelino, Davao Occidental.

Facebook Comments