Robredo, bukas sa paggawa ng COVID-19 vaccine infomercial kasama si Pangulong Duterte

87

Bukas si Vice President Leni Robredo sa mungkahing magtambal sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggawa ng infomercial na hihikayat sa publiko na magpabakuna.

Ayon kay Robredo, handa siyang gumawa ng infomercial kasama ang Pangulo anumang oras kung makakatulong ito para mapataas ang tiwala ng mga tao sa bakuna.


“Open na open ako kung kailangan yan para makatulong sa vaccine trust,” ani Robredo.

“Sa akin, kung kinakailangan kaming dalawa ni Pangulo, ako anytime. Sa tingin ko talaga dapat pinagtutulungan natin kung papano mapapalakas ang tiwala ng mga tao sa pagbabakuna.”

Katunayan, hindi pa man nasisimulan ang vaccination program ay naglabas na aniya ang Office of Vice President (OVP) ng vaccine infomercial noong Pebrero.

Ngayon, may inihahanda muling infomercial ang kanyang opisina katuwang ang kanilang mga volunteer.



Facebook Comments