Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Davao Occidental nitong Huwebes ng gabi.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang pagyanig alas-8:23 ng gabi at tectonic ang pinagmulan nito.
Natunton ang pagyanig sa 231 kilometers timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Ang lindol ay may lalim na 116 kilometers.
Naramdaman ang Intensity V sa General Santos City, Intensity IV sa Davao City at Intensity II sa Bislig City, Surigao del Sur.
Nilinaw ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na walang banta ng tsunami ngunit asahan ang aftershocks.
Samantala, sinabi ni Jose Abad Santos Mayor Jason John Joyce na pa silang naitatalang pinsala sa kanilang bayan.
Facebook Comments