Davao PNP Chief, tinanggal sa pwesto dahil sa madugong ‘drug war’ na ikinamatay ng 7 tao

Kinumpirma ni Police Regional Office XI Spokesperson Pol. Major Catherine Dela Rey na isinailalim na si Davao City Police Director Col. Richard Bad-ang sa administrative relief.

Ito’y base sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) XI kasunod ng isinagawang motu-propio investigation hinggil sa pagkamatay ng pitong indibidwal sa anti-illegal drugs operation sa Davao City noong ika-23 hanggang 26 ng Marso ng taong ito.

Kaakibat ito ng drug war na inilunsad ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kung saan isinagawa ang naturang operasyon sa ilalim ng pamamahala ni DCPO Director Col. Bad-ang, na katatalaga lamang bilang bagong DCPO director noong mga panahong iyon.


Matatandaang una na ring pinaimbestigahan ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang isinagawang operasyon noong Marso.

Facebook Comments