Muling iginiit ni Davao City Representative Paolo Duterte na hindi siya sang-ayon sa suhestiyong term-sharing deal ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa kongresista, nararapat lamang na mag-halal ulit ng bagong House Speaker kung sakaling magbitiw sa puwesto si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano malipas ang 15 buwan.
“I am against any term-sharing agreement. If speaker resigns after 15 months, we have to elect a new speaker,” pahayag ni Rep. Duterte sa plenaryo matapos i-nominate ang dating DFA Secretary.
Sa panayam ng mga mamamahayag, nilinaw nitong sinabi niya lamang yun para kabahan si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Pero sambit niya ulit, “sa House rules wala namang term-sharing talaga”.
Sa ilalim ng term-sharing deal, papalitan ni Velasco si Cayetano matapos ang kanyang liderato sa Kongreso.
Naganap ang pagpupulong kaugnay sa term-sharing nang dumalo ang dalawa sa thanksgiving dinner ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Samantala, ipinahawatig ng ilang mambabatas na gusto nilang iboto si Rep. Duterte bilang Speaker pero hindi kasama sa plano ng kongresista palitan si Cayetano.
Aniya, “no, no, no. Happy na, Titingnan na lang natin pagdating ng panahon. Trabaho muna”.