Davao Rep. Paolo Duterte, posibleng tumakbong speaker

Manila, Philippines – Malaki ang tsansang tumakbo na rin sa pagka-Speaker ng 18th Congress ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte.

Ayon sa nakababatang Duterte, wala siyang interes sa Speakership at nagbanta na rin ang kanyang ama na magbibitiw na Pangulo ng bansa pero dahil sa pagpipilit na rin ni Taguig City Representative Alan Peter Cayetano sa “term-sharing” ay posibleng tumakbo na siyang Speaker ng Kamara.

Aniya, watak-watak na ang Mababang Kapulungan kaya maaaring makatulong siya upang pagkaisahin itong muli kung siya ang maluluklok na speaker.


Bukod dito, iminungkahi rin ni Pulong na magkaroon na lamang ng tig-isang Speaker na kakatawan sa Luzon, Visayas, Mindanao at Party-list Coalition o apat sa kabuuan para matapos na ang gulo.

Paliwanag nito, hindi lamang dadalawang tao ang pinag-uusapan rito kundi sino ang magbubuklod sa Mababang Kapulungan kaya sana aniya ay tigilan na ng mga kandidato ang pang-iimpluwensiya sa gabinete ng Pangulo.

Facebook Comments