KathNiel nagbigay ng animal cages sa Manila City Pound

Image via Instagram/Kathryn Bernardo

Pinasalamatan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa pagbibigay ng 10 animal cages para sa Manila City Pound.

Sa Facebook page ng Manila Public Information Office, makikita ang larawan ng mga kulungan ng hayop mula kay Daniel at Kathryn.

Natanggap ng lokal na pamahalaan ang animal cages nitong Lunes matapos bumisita at inspeksyuinin ni Moreno ang kalagayan ng dog pound noong Hunyo 28.


Kilalang animal lovers ang reel to real life partners.

Hindi pinahintulatan ng alkalde ang pagsasagawa ng euthanization sa mga nahuling hayop nitong nakaraang Linggo.

Panawagan niya sa mga residente ng Maynila, ampunin ang aso at pusang nasa city pound ngayon.

Facebook Comments