Manila, Philippines – Mananatili sa Group B ng Davis Cup Oceania ang Pilipinas matapos yumuko ang koponan sa Thailand, 4-1 sa pagtatapos ng kanilang bakbakan sa PCA shell courts sa Plaza Dilao.
Matapos ang opening day split sa singles, lumarga ang mga Thais sa huling tatlong laro para makuha ang panalo.
Lumamang ang Thai matapos manalo ang kambal na sina Sonchat at Sanchai Ratiwatana kontra kina Johnny Arcilla at Niño Alcantara 4-6, 7-6, 6-1.
Pareho rin nakuha ng Thailand ang reverse singles para makumpleto ang pagdomina nila sa Pilipinas.
Facebook Comments