DAYAAN SA 2016 ELECTION | Ilocos Norte Governor Imee Marcos, ikinagalak ang pagbubunyag ni Senator Sotto

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang ibinunyag ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na nangyaring iregularidad sa 2016 elections.

Sa pulong pambalitaan sa Quezon City, sinabi ni Imee Marcos na nakabuti ang expose ni Sotto dahil sunod-sunod na lumutang ang ibang pulitiko na naniniwala na maging ang kanilang boto ay napalitan noong nakaraang sa nangyaring electoral sabotage noong 2016.

Gayunman, hindi naman masabi ni Ms. Marcos kung makakatulong ito sa tsansa na maipanalo ang electoral protest sa Presidential Electoral Tribunal ng kaniyang kapatid na si dating Senador Bongbong Marcos.


Inihayag din ni Imee na may nabuo ng pasiya ang kanilang pamilya na isa sa kanilang miyembro ang tatakbo na lamang sa national position.

Buo ang paninindigan ni BBM na hindi na tatakbo sa anumang national position dahil wala itong balak abandonahin ang kaniyang electoral protest.

Facebook Comments