POLICE REPORT | Checkpoints sa lungsod mas pag-iibayuhin!

Nagpapatuloy ang kampaniya ng pulisya sa mahigpit na pagsasagawa ng checkpoint sa buong bansa at ang Dagupan PNP ay nakikiisa sa Provincewide Simultaneous Checkpoint.
Ayon kay PO3 Lisa Olyvera C. Gonzales isinasagawa ang checkpoint upang maiwasan ang biktima ng riding in tandem, kidnapping, carnapping at iba pang krimen sa lungsod.
Nagsisimula ang PNP ng 9:00 ng umaga hanggang 12:00 tanghali at magpapatuloy ng 2:00-5:00 ng hapon at sa gabi naman 8:00-11:00 ng gabi. Lunes hanggang Linggo ang operasyon ng PNP Dagupan checkpoint.
Dagdag ng PNP Dagupan sisiguraduhin nila na magiging maayos ang pagsasagawa ng mga ito alinsunod narin sa Provincewide Simultaneous Checkpoint.
Ulat ni Janzel V. Omagtang

Facebook Comments