Dayalogo, isinagawa ng PNP sa Muslim community sa Surigao City

Surigao City, Philippines – Inihayag Supt. Jay Baybayan, ang chief of police ng Surigao City, nang naganap ang dayalogo sa loob mismo ng mosque kasama ang mga official ng Surigao Muslim Associaton sa pamamagitan ng Presidente nitong si Aga Manahiran.

Tinalakay sa pagtitipon ang suporta ng Muslim community sa pananatili ng peace and order sa buong lungsod.

Kasama na rin ang pagbibigay ng impormasyon kung may bagong grupo ng Muslim na dumating.


Inihayag naman ni Manahiran na mahigpit ang pagmomonitor nila sa mga masasamang loob o grupo na hindi makapasok sa Surigao City.
DZXL558

Facebook Comments