Dayalogo sa pagitan ng PNA at pamunuan ng QMMC kaugnay sa  “waiver” sa mga nurse, itinakda bukas! PNA, iginiit na hindi makatarungan ang nasabing waiver!

Nakatakdang makipagdayalogo bukas ang Philippine Nurses Association sa pamunuan ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) kaugnay sa kumakalat ngayon sa social media na waiver na pinapapirma umano sa mga nurse sa nasabing ospital.

Inuulan kasi ngayon ng batikos sa social media ang waiver form para sa mga nurse sa QMMC kung saan nakalagay dito ang sumusunod:

1. Pumapayag ang mga nurses na ilagay sa kahit anong clinical area na itinalaga sa kanya ng kanyang supervisor
2. Susunod siya sa 16 hours na duty at walong oras na hours gap bago ang kanyang susunod na duty
3. Tatalima sa on call duty kahit naka-rest day
4. Hindi siya maaaring magsampa ng kaso sa sinumang opisyal at staff ng ospital na kanyang pinapasukan


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNA President Dr. Elmer Bondoc na kanila ng igigiit na mapawalang bisa ang nasabing waiver lalo na’t hindi makatarungan ito para sa ating mga nurse.

Hindi rin aniya katanggap-tanggap ang rason ng pamunuan ng ospital na ginawa nila ang waiver dahil sa dami ng kanilang mga pasyente.

Para kay Bondoc, hindi dapat waiver ang solusyon kundi aksyunan ang problema sa mababang pasahod at benepisyon ng mga nurse na dahilan kaya may shortage ng nurse sa bansa.

Facebook Comments