Dayanara Torres at fiancé nito, hiwalay na

Hiwalay na sina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at kanyang fiancé na si Louis D’Esposito, co-president ng Marvel Studios.

Nangyari ang hiwalayan ng dalawa matapos aminin ni Torres na mayroon siyang skin cancer at kailangan sumailalim sa gamutan.

Sa ngayon, masayang masaya raw si Torres dahil sinabi ng kanyang mga doktor na hindi kumalat ang cancer cells sa kahit anong bahagi ng kanyang katawan.


September 2018 nang ianunsyo nina Torres at D’Esposito ang kanilang relasyon at na-engage naman sila matapos ang dalawang buwan.

Facebook Comments