Kampo ng Militar ipapatayo sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao

Nagpapatuloy ang mga inisyatiba ng Local Government Unit ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao para mamentina ang katiwasayan sa kanilang buong bayan.
Mas pinaigting din ng LGU ang kanilang koordinasyon sa hanay ng mga otoridad lalong lalo na sa PNP at Militar para hindi malusutan ng mga armadong grupo.
Kaugnay nito, nagkaroon ng pakikipag-ugnayan ang LGU DAS sa pangunguna ni Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa pamunuan ng 6th ID para sa planong paglalagay ng karagdagang kampo ng military sa DAS. Sinasabing nakatakdang ipapatayo ito sa Old Maganoy .
Nagpapasalamat naman si Mayor Bai Mariam sa naging agarang pagtugon ni 6th ID Commander Major General Cirilito Sobejana.
Noong nakaraang araw, agad na tinungo ng alkalde ang lugar na pagtatayuan ng bagong kampo ng Militar. Nagsimula na rin ang konstrasyon.

Ang bayan ng Datu Abdullah Sangki ay tila boundary ng mga lalawigan ng Maguindanao at Sultan Kudarat.

Facebook Comments