‘Days of National Mourning’, idineklara kasunod ng forest fire sa Portugal kung saan nasawi ang 62 katao

Nagdeklara na ng tatlong araw na ‘Days of National Mourning’ ang bansang Portugal sanhi ng matinding forest fire na ikinamatay ng 62 katao.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nagmula ang forest fire sa tama ng kidlat sa isa sa mga punong-kahoy na mabilis na kumalat sa ektar-ektaryang kagubatan.

Ayon kay Portugal Interior Minister Jorge Gomes, nasa 60 ang nasawi sanhi ng smoke inhalation habang dalawa ay namatay sa isang vehicular accident na resulta ng sunog.


Habang nasa 54 naman ang nasaktan sanhi ng forest fire.

Ang sunog, na nagsimula araw ng sabado, ay kinukunsidera ngayon bilang ‘deadliest forest fire’ sa Portugal.

Nakararanas ng severe heatwave ang Portugal, kung saan nasa 40 degrees Celsius ang temperatura sa maraming rehiyon.

Sinabi naman ni Portugal Prime Minister Antonio Costa, na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.

Facebook Comments