Jovit Baldivino, may panawagan sa kaniyang fans matapos ang hiwalayan nila ng kaniyang non showbiz partner

504

Manila, Philippines – Nanawagan sa kaniyang Facebook account ang singer na si Jovit Baldivino na huwag maging mabilis sa panghuhusga.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Shara Chavez, non-showbiz partner ni Jovit ang kanilang hiwalayan.

Sa FB post ni Shara, ikwinento nito ang pagkakaroon ng babae ng singer.

Dagdag pa niya, hindi raw humingi ng tawad si Jovit sa kanya.

Labis ring ikinalungkot ni Shara ang nangyari sa kanilang relasyon lalo pa’t may isa na silang anak.

Matapos nito ay nag-sorry si Shara sa ginawang pag-post ng larawan ng singer kasama ang umano’y babae ni Jovit.

Say ni Shara, ito lang ang naging huling paraan niya para mailabas ang hinaing lalo’t ang 23-year-old singer na mismo ang nagsabi na hindi na sila magkakabalikan.

Facebook Comments