Dayuhang mamamahayag na tinamaan ng bala sa bakbakan sa Marawi City, naoperahan na

Manila, Philippines – Isinailalim sa operasyon ang dayuhang journalist na tinamaan kahapon ng bala mula sa mga sniper ng kalaban habang nasa labas ng Lanao Del Sur Capitol Complex.

Si Adam Harvey ng Australian Broadcasting Corporation (ABC) ay dinala sa Metro Manila kagabi para sa operasyon dahil kailangang alisin ang bala ng baril na nasa kaniyang leeg.

Sa kaniyang post sa twitter, sinabi ni Harvey na tumagal ng isang oras ang operasyon sa kaniya sa makati medical center, bago matagumpay na maalis ang bala.


Ayon sa mga doktor sa Makati Med – maswerteng hindi umabot ang bala sa ‘carotid artery’ ng dayuhan dahil mas magiging delikado ito para sa kaniya.

Dahil sa nasabing insidente, mas lalong naghigpit ngayon ang mga otoridad sa mga mamamahayag nanagco-cover sa Marawi.

Si Harvey ang tanging nag-iisang mamamahayag na nasa labas ng gate ng complex nang tamaan siya ng bala.

Facebook Comments