Manila, Philippines – Hindi kailangan ng Pilipinas ang mga dayuhang sundalo na makipaglaban sa mga ISIS-inspired terrorists sa Pilipinas dahil may sapat na pwersa ang AFP.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos makipagpulong sa Australian defense minister noong Biyernes.
Ayon kay Lorenzana, malaking tulong na sa Pilipinas ang suportang ibinibigay ng Australia sa aspeto ng equipment at technical assistance, at nagpasalamat dito ang kalihim.
Ayon Kay Australian defense minister Honorable Mariss Payne, kasalukuyang may mga tropa Ang Australia sa Middle East na nakikipaglaban sa ISIS, at Walang problema sa kanila na magpadala rin ng tropa sa Pilipinas.
Ayon Kay lorenzana, nais ng Pilipinas na magpadala ng tropa ang Australia sa pilipinas, hindi para lumaban kontra sa maute terrorists, kundi para sanayin Ang AFP sa information information gathering, at infrmation analysis.
Siniguro naman ng Australian Defense minister na nakahanda ang Australia na palawigin ang kooperasyong militar ng Pilipinas at Australia.