DBCC, pinagco-convene na para resolbahin ang sunud-sunod na oil price hike

Hiniling ni Deputy Speaker Bernadette Herrera sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) na mag-convene na sa lalong madaling panahon upang mapagtibay ang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa kongresista, ang pagsuspinde sa excise tax sa mga imported na krudo at langis ang tanging hakbang na otorisadong gawin ng DBCC sa ilalim ng Section 43 ng RA 10963 o TRAIN Law.

Magkagayunman, hindi naman limitado ang maaaring ipataw na suspensyon dahil maaaring magtakda ng parameters ang DBCC kung gaano katagal ang ipapataw na suspensyon sa excise tax ng langis.


Tinukoy rin ang Section 82 ng TRAIN Law na naglalaman ng iba’t ibang hakbang para tugunan ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Isa pa nga sa mga targeted solutions na nakasaad sa batas ang fuel vouchers o Pantawid Pasada na inaasahang magdadala ng pansamantalang kaluwagan para sa mga mahihirap na apektado ng serye ng oil price hike.

Ipinunto pa sa maaaring solusyong ibigay ng DBCC ang pagbibigay ng diskwento sa pamasahe, diskwento sa NFA rice, at iba pang social benefits na siyang bubuuhin at ipatutupad ng pamahalaan.

Facebook Comments