Mga lumikas sa Ukraine, umabot na sa 2.5-M-UN

Tinatayang nasa 2.5 milyong indibidwal na ang lumikas sa Ukraine simula nang lusubin ito ng Russia.

Ayon kay United Nations International Organization for Migration Spokesperson Paul Dillon, kasama sa mga bilang ng lumikas sa Ukraine ang 116,000 nationals mula sa ibang mga bansa.

Bago ang paglusob ng Russia, nasa mahigit 37 million katao ang nakatira sa Ukrainian territory sa ilalim ng kontrol ng central government sa Kyiv.


Nabatid na mahigit kalahati dito ang lumikas papuntang Poland at nasa dalawang milyon naman ang internally displaced.

Facebook Comments