DBCC, sumalang na sa unang araw ng pagdinig ng 2022 National Budget; COVID-19 Response, economic recovery at infrastructure, pangunahing tututukan sa pambansang pondo

Sinimulan na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang presentasyon ng overview ng P5.024-trillion na 2022 national budget.

Unang sumalang si Budget Department Officer in Charge Tina Rose Marie Canda kung saan sinabi nitong ito na ang huling full year budget ng Duterte administration na nakatutok sa pagpapanatili ng legacy ng reporma sa bansa.

Aniya, nakatutok ang pambansang pondo sa susunod na taon sa COVID-19 response, pagbangon ng ekonomiya at infrastructure.


Bago magsimula ang budget hearing, umapela si House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap sa mga kalihim ng bawat departamento na personal sanang humarap sa paghimay ng pambansang pondo, maliban na lamang sa mga matatanda at maysakit na vulnerable sa COVID-19.

Hiniling din nito ang pakikipagtulungan ng mga pinuno ng mga kagawaran na maaprubahan ang budget ng walang delay.

Samantala, binigyan naman ng tig-limang minuto ang mga kongresista na magtatanong sa mga resource person.

Facebook Comments