Senator Manny Pacquiao, posibleng tumakbo pa rin sa 2022 elections kahit si Mayor Sara Duterte ang piliing standard bearer ng PDP-LABAN

Posibleng tumakbo pa rin si Senator Manny Pacquiao bilang pangulo sa 2022 elections kahit si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang mapili ng PDP-Laban bilang standard bearer.

Ayon sa tagapagsalita ni Pacquiao na si dating Bacolod City Mayor Monico Puentevella, sa susunod na buwan pa magdedesisyon ang senador sa kaniyang political plans para sa 2022.

Kaugnay nito, nakikipag-usap na rin aniya si Pacquiao sa posibleng mga alyansa kung saan makikipagpulong agad ito kay Vice President Leni Robredo pagkauwi sa Pilipinas.


Sakali naman daw na matuloy na tumakbo si Pacquiao bilang presidente ay ang paghaharap nila ni Yordenis Ugas noong Linggo ang huli nitong laban sa boxing ring.

Facebook Comments