DBM, dapat aksyunan ang papaubos na calamity fund

44

Umapela si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Budget and Management o DBM na aksyunan agad ang papaubos na Quick Reaction Funds para sa CALABARZON at Bicol region na parehong dumanas ng matinding hagupit ng Bagyong Rolly.

Ang pangangalampag ni Pangilinan sa DBM ay kasunod ng isinumiteng Situational Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.


Sabi ni Pangilinan, ipinapakita sa nabanggit na report na ubos na ang standby funds ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa nabanggit na dalawang rehiyon na labis na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Umaasa si Pangilinan na agad kikilos ang DBM dahil maraming pamilya lalo na sa Bicol ang walang-wala na at gobyerno na lang ang tanging mapupuntahan nila.

Diin ni Pangilinan, isang paraan para makabangon agad sa kalamidad ay agarang pag-release ng pondo.

Nanawagan din si Pangilinan sa publiko na mag-donate at magbigay ng kahit na anong tulong para sa mga biktima ng kalamidad.




Facebook Comments