Itbayat sa Batanes, Niyanig ng 4.4 Magnitude na Lindol

39

Cauayan City, Isabela- Maswerteng walang naging pinsala sa imprastraktura ang naranasang 4.4 magnitude na lindol sa Itbayat,Batanes bandang 1:59 kaninang madaling araw.

Ayon kay Governor Marilou Cayco, walang kahit anong matinding epekto ang nasabing paglindol na kanya namang ipinagpapasalamat sa maykapal.


Dagdag pa ng opisyal, nakahanda ang provincial government 24 oras para tumugon sa anumang sakuna.

Matatandaang napinsala ng malakas na paglindol ang bayan ng Itbayat at maraming bahay na bato ang nasira subalit sa ngayon ay naisaayos na ito.

Samantala,inatasan rin ng gobernador ang alkalde ng Itbayat na maging alerto at abisuhan ang mga residente na talian ang mga kabahayan para masigurong hindi ito matatangay ng malakas na hangin sa posibleng epekto ng Bagyong Siony.

Facebook Comments