DBM, hinihintay ang direktiba ni Pangulong Duterte para sa ayuda sa NCR; Supermarkets at groceries, mananatiling bukas

51

Hinihintay ng Department of Budget and Management (DBM) ang direktiba mula sa Office of the President ukol sa ipapamahaging cash aid sa mga residenteng maaapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, hindi pa niya natatanggap ang instruction mula sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Pagtitiyak naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Loprez na mananatiling bukas ang mga pamilihan sa gitna ng ECQ dahil magpapatuloy pa rin ang agriculture at manufacturing activities.

Sinabi naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Kendrick Chua na aabot sa 105 billion pesos ang nawawala sa ekonomiya ng bansa bawat linggo kapag nasa ECQ ang Metro Manila.

Tumataas din ang bilang ng mga mahihirap sa 177,000 at nasa 444,000 ang nawawalan ng trabaho.

Facebook Comments