DBM, iginiit na alam ng DPWH ang budget insertion ngayong taon

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Budget and Management na alam ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P75 Billion Budget insertion na ginawa ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay DBM Usec. Tina Rosemarie Canda, imposible na hindi alam ni DPWH Sec. Mark Villar ang idinagdag sa ahensya na P75 Billion.

Aniya, sa katunayan pa nga ay mga taga DPWH daw ang tumulong sa kanila sa encoding para sa dagdag na budget.


Katwiran pa nito, nakasanayan ng gawin noon na humingi ng tulong sa DPWH sa pag-e-encode dahil sa dami ng proyekto.

Pero duda si House Minority Leader Danilo Suarez sa pahayag ni Canda na alam ni Sec. Villar ang isiningit na pondo.

Aniya, posibleng kasabwat sa budget insertion ang ilang DPWH officials.

Dahil dito, pinasusumite ng komite sa DBM ang listahan ng pangalan ng mga taga-DPWH na tumulong sa kanila sa pag-encode ng mga itemized projects ng ahensya.

Facebook Comments