DBM, inaprubahan na ang paglikha ng 5-K non-teaching positions para sa DepEd ngayong taon

Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang hiling ng Department of Education (DepEd) na lumikha ng 5,000 non-teaching positions ngayong taon.

Layon nitong alisin ang mga administrative work sa mga guro at mas matutukan ang pagtuturo sa mga estudyante.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ide-deploy ang 5,000 non-teaching positions sa loob ng DepEd kung saan pasok sila sa salary grade 11 ngayong Fiscal Year 2024.


Sa miscellaneous personnel benefits fund naman ng General Appropriations Act huhugutin ang pondo para sa ipapasahod sa 5,000 non-teaching personnel ng DepEd.

Tiwala ang kalihim na sa pamamagitan nito ay mas gaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa dahil sa mas magaan na trabaho ng mga guro.

Facebook Comments