Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa financial assistance para sa 22.9 million na residente sa NCR Plus bubble na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon sa DBM, inibigay na nila sa Bureau of Treasury (BTr) ang Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notices of Cash Allocation na nagkakahalaga ng ₱22.9 billion pesos na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapamahagi sa local government units (LGUs) ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna.
Sakop ng financial assistance ang 80-porsyento ng populasyon sa NCR+ partikular ang low-income households.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay tutulong sa mga LGUs sa pagpapatupad ng financial assistance sa mga target beneficiaries.
Ang mga benepisyayo ng Social Amelioration Program (SAP) ang ipaparayoridad.
Ang LGUs ang in-charge sa kung sino ang bibigyan ng ayuda.
Nasa 1,000 pesos ang matatanggap ng apektadong residente o 4,000 pesos kada pamilya.