Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng mahigit P69 milyon para sa National Livestock Program ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, gagamitin ang pondo para sa Protein-Enriched Copra Meal (PECM) Commercialization Project sa ilalim ng National Livestock Program.
Aniya, layon ng inaprubahang special allotment release orders (SAROs) na dagdagan ang Production Support Services (PSS) sa National Livestock Program para masakop ang pagpopondo ng PECM Commercialization Project, na nakapaloob sa DA Budget sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act
Ang National Livestock Program ng DA sa pamamagitan ng PECM Commercialization Project ay naglalayong gawing komersyalisado ang paggamit ng protein-enriched copra meal bilang locally available feed ingredient na maaaring ipalit sa imported soybean para sa kapakinabangan ng mga nag-aalaga ng mga baboy at manok.