Pag-angkat ng mga poultry products sa tatlong bansang may kaso ng bird flu, pansamantalang ipinagbabawal ng DA

Pansamantalang ipinagbabawal ng Department of Agriculture ang pag-angkat ng mga poultry products mula sa mga bansang Japan, Hungary at California dahil sa banta ng bird flu.

Ayon kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, sakop ng kautusan ang mga domestic at wild birds at ang kanilang mga produkto, kabilang ang poultry meat, day old chicks, itlog at semilya.

Aniya, batay sa ulat na isinumite ng Japan Ministry of Agriculture sa World Organization for Animal Health (WOAH) noong November 1, 2022, nagkaroon ng outbreaks ng high pathogenicity avian influenza (HPAI) virus sa Kurashiki City, Okayama Prefecture at Atsuma Tow, Hokkaido Prefecture sa Japan na nakakaapekto sa mga domestic birds.


Naitala naman ang kaso ng HPAI virus sa Kiskunmajsa, Bugac, at Bacs-Kiskun sa SHungary habang nagkaroon din ng outbreak sa California.

Giit ni Domingo, kailangan na pigilian ang pagpasok ng HPAI virus upang maprotektahan ang populasyon ng manok sa bansa.

Maliban dito, sinuspinde rin ng DA ang pagproseso at pag-iisyu ng sanitary and phytosanitary (SPS) import clearance sa mga lugar na sakop ng temporary ban.



Facebook Comments