DBM, kinalampag ng NCMF para sa pag-aapruba ng Mutawiff fund sa Hajj

Tuloy ang Islamic pilgrimage ng mga Filipino Muslim sa Hajj sa Saudi Arabia.

Ito ang nilinaw ni National Commission on Muslim Filipino (NCMF) Executive Director Tamir Lindasan.

Pero aminado si Lindasa na humaharap sa mga hamon ang Hajj journey.


Sa ngayon kasi ay mahigpit ang proseso sa paggamit ng Mutawiff fee o mga kontribusyon at payment sa travel expenses para sa Hajj.

Dahil sa mga nilikhang kontrobersya sa nawawalang Mutawif fee sa nakaraang mga taon kung kaya’t itinuring na public funds ang pondo.

Ibig sabihin, hindi ito basta-basta magagalaw kung hindi ito dumaan sa pagproseso ng Departmernt of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF) at Commission on Audit (COA).

Sa ngayon bilang ay nalalapit nang magsara ang portal ng Hajj at hinahabol ang deadline ng Saudi Ministry ng Hajj sa April 9.

Dahil dito, umaapela ang NCMF sa mga nabanggit na ahensya ng gobyerno na i-relax ang ang mga panuntunan para sa mabilis na paglilipat ng payment ng Mutawiff fee para sa mga Filipino Muslim pilgrims na patungo sa Hajj.

Partikular na nanawagan ang grupo kay DBM Secretary Amenah Pangandaman na isa ring Muslim.

Ayon sa NCMF, mayroong 5,878 Filipino Muslim ang nakapagparehistro na sa Hajj.

Mula sa naturang bilang 2,000 na kumpletong nakapagbayad.

Facebook Comments