PNP Chief Acorda, hindi pa alam kung sino ang posibleng pumalit sa kanya

Higit isang linggo na lang bago ang nakatakdang pagreretiro, hindi pa nakakausap ni Philippine National Police (PNP) chief General Benjamin Acorda Jr., si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Acorda, may nauna na siyang request sa Palasyo na gawing March 31 o di kaya’y April 1 ang turnover ceremony dahil mahal na araw na sa susunod na linggo pero wala pa ditong sagot ang Malakanyang.

Kasunod nito, sinabi ni Acorda na mayroon na siyang napupusuan na papalit sa kaniya bilang PNP chief.


Nakapagsumite narin aniya siya ng shortlist sa pangulo pero hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Nabatid na sa March 31 ang huling araw ni Acorda bilang PNP chief matapos ang iginawad sa kaniyang term extension.

Facebook Comments