DBM, kumpiyansang matitigil na ang korupsyon sa pamahalaan dahil sa bagong procurement law

Inilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) ang New Government Procurement Act o NGPA na layong paigtingin ang transparency at patas na kumpetisyon sa mga government project.

Ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman, obligado na ngayon ang lahat ng bidders, suppliers, at contractors na magdeklara ng kanilang “beneficial owners” sa isang online registry na bukas para sa publiko.

Paliwanag ni Pangandaman, ang pagsisiwalat ng tunay na may-ari ng mga kumpanya ay makatutulong upang maiwasan ang monopolya at mga conflict of interest sa mga bidding process.

Kahit maliit o malaking kumpanya, magkakaroon na ng pantay-pantay na oportunidad na makilahok sa procurement.

Sakaling mapatunayang may relasyon ang isang bidder sa opisyal ng ahensyang nagpa-bid, awtomatiko itong madi-disqualify.

Kasama rin sa bagong batas ang open contracting, paggamit ng digital platforms, at pagsali ng publiko sa procurement proces kung saan ang mga hakbang na ito ay itinuturing na pinakamalawak na anti-corruption measure sa kasaysayan ng bansa.

Facebook Comments