Inaaral nang mabuti ng Department of Budget and Management (DBM) ang nakapaloob sa bagong batas na nagtataas ng social pension ng indigent senior citizens.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, ngayong batas na ito, dapat lamang na hanapan ng pondo ang pagpapatupad nito.
Sinabi ni Pangandaman, makikipag-ugnayan ang DBM sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Commission of Senior Citizens, na implementing agency ng programa.
Aalamin din ni Pangandaman sa mga ahensyang, ito ang aspeto ng pag-develop ng implementing rules and regulations o guidelines sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Batay sa Republic Act 11916, dinoble ang buwanang social pension ng indigent senior citizens mula ₱500 sa ₱1000.
Ayon naman kay Deputy Speaker Ralph Recto na mangangailangan ng ₱50 billion para mapondohan ang programa at masakop ang higit 4 na milyong mga matatanda.