Overloading sa kuryente, sanhi ng sunog sa COMELEC

49

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na Overloading sa kuryente, sanhi ng sunog sa tanggapan ng Komisyon noong Linggo.

Sa kabila nito, nilinaw ni COMELEC Chairman George Garcia na hinihintay pa nila ang final report ng imbestigasyon ng BFP.

Ayon kay Garcia, inatasan na niya ang Information Technology Department ng COMELEC na maghanap muna ng mas malawak na malilipatang opisina.


Aminado si Garcia na sadyang maliit ang kanilang tanggapan sa Intramuros kaya kailangan pa nilang maghanap ng mapaglilipatan ng ibang departamento.

Facebook Comments