Mas magiging epektibo ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act, kasunod ng pag-amyenda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, mas magiging malaya at bukas sa kanilang mandato ang Maharlika Board sa paghahanap ng mga investment opportunities.
Mapalalakas din aniya sa bagong IRR ang pananagutan ng mga opisyal ng Maharlika Investment Corporation.
Positibo naman ang DBM na gagana na ang MIF bago pa man matapos ang taon.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Adviser for Investment and Economic Affairs Rafael Consing Jr., na ang inamyendahang IRR ay naglalayong gabayan ang pagpapatupad ng MIF Act at hindi para magtakda ng partikular lamang na patakaran para sa Maharlika Investment Corporation.