Pang-9 na tumakas sa MPD Station-1, muling nadakip

Muling nadakip ng Manila Police District (MPD) Intelligence Division ang huling Persons Under Philippine National Police (PNP) Custody (PUPCs) na tumakas sa MPD Station-1.

Nasakote ng MPD si Jefferson Tumbaga habang nasa SBUC Compound Soldiers Hill Narra Street, Molino Road sa Bacoor City, Cavite.

Si Tumbaga ang isa sa siyam na tumakas sa Raxabago Police Station noong November 8, 2023 kung saan ilang araw din itong pinaghahanap.


Nabatid na si Tumbaga ay may kasong paglabag sa PD 1602 o iligal na pagsusugal.

Kaugnay nito, muling ikukulong sa MPD Station-1 ang siyam na tumakas at mahigpit na seguridad ang ipapatupad habang una ng naiayos ang custodial facility kung saan sila tumakas.

Facebook Comments