DBM, naglabas ng higit P1-B para sa COVID-19 compensation ng healthcare workers

Nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.081 billion para sa sickness at death benefits ng mga public at private healthcare workers at mga non-HCW na tinamaan ng COVID-19 habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa gitna ng pandemya.

Ayon sa DBM, ang mga tinamaan ng mild o moderate COVID-19 infection ay tatanggap ng P15,000 kompensasyon.

Nasa P100,000 naman ang matatanggap ng mga tinamaan ng severe at critical COVID-19.


Habang ang mga pamilya ng mga healthcare workers at non-HCWs na namatay dahil sa virus sa gitn ang pagganap sa kanilang trabaho ay makatatanggap ng P1 milyon.

Ayon sa DBM, manggagaling ang pondo para rito sa Department of Health (DOH) sa ilalim ng Fiscal Year 2022 General Appropriations Act.

Kamakailan nang sabihin ng DBM na naglabas ito ng P7.92 billion para sa allowance ng mga healthcare workers at iba pang tauhang kasali sa COVID-19 response.

Nito lang Abril nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang nagmamandato sa tuloy-tuloy na benepisyo sa lahat ng mga healthcare workers sa bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic at iba pang public health emergencies sa hinaharap.

Facebook Comments