PNP CAUAYAN, PATULOY NA NAMAMAHAGI NG TULONG

10
Cauayan City, Isabela- Muling namigay ng tulong ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa ilang residente ng Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela.

Katuwang rito ng kapulisan ang Cauayan PSFTP CL Sambisig, Cauayan City Nutrition Office, SK members, KKDAT at ng mga opisyal ng barangay.

Bukod sa ipinamahaging grocery items sa mga piling pamilya, nagkaroon din ng feeding program sa mga bata at pakikipag dayalogo sa mga dumalong residente.

Nagsagawa rin ng tree planting activity ang kapulisan sa naturang lugar.

Layon ng aktibidad na matulungan ng pulisya ang mga taong higit na nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments