DBM, naglatag ng plano kay PBBM hinggil sa mabagal na paggamit ng pondo ng mga ahensya ng gobyerno

Inilatag ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang mga plano nito para maiwasan ang underspending o mabagal na paggamit ng pondo ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Sa sectoral meeting sa Malacañang ngayong araw, sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ilan sa mga hakbang para maiwasan ang underspending ay ang:

– maagang paglalabas ng pondo
– maagang pagsasagawa ng procurement activities
– at pasimplehin ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Government Procurement Reform Law


Kabilang din aniya sa mga hakbang ay ang inilunsad na Government Purchase Card program, digitalization ng Government Disbursement and Collection, at Integrated Management Financial System sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi ni Pangandaman na maglalabas sila circular order sa lahat ng ahensya ng gobyerno para obligahin ang mga ito na magsagawa ng plano hinggil sa mga ipinatutupad na programa ng DBM.

Facebook Comments