DBM, nagpalabas ng karagdagang P5-B pondo para sa OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19

Nagpalabas ng limang bilyong piso ang Department of Budget and Management (DBM) bilang karagdagang pondong gagamitin sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWS) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Kasunod ito ng hiling ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa Special Allotment Release Order (SARO) at Notice Of Cash Allocation (NCA) sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, malaking tulong ang karagdagang pondo para magamit sa pagkain, akomodasyon at iba pang pangangailangan ng mga napauwing pinoy.


Target ng OWWA na matulungan ang aabot sa 250,000 OFWs hanggang matapos ang 2020.

Facebook Comments