Nagpasalamat si Budget Secretary Mina Pangandaman sa Kamara, kasunod nang mabilis na pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa House Bill No. 9648 o New Government Procurement Reform Act na naglalayong amyendahan ang matagal ng Republic Act No. 9184 na dalawang dekada ng ginagamit.
Nabatid na ang bagong procurement act ay layunin na mapabuti, mapabilis at maging makabago ang procurement system.
Dahil dito, mababago na ang paggalaw ng mga consumer, negosyo at industriya.
Pinasalamatan ni Pangandaman ang Kamara sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na aniya ay isang patunay na ang mithiin para sa bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mapabilis ang government procurement system ay matutupad upang maisulong ang transparency, accountability at good governance.
Sa ilalim ng House Bill No. 9648, tinanggal ang kasalukuyang bureaucratic intricacies sa pamamagitan ng digitalization, na pangunahing measure na kabilang sa legislative agenda ni Pangulong Marcos.