Nakipagpulong ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga miyembro ng Alliance of Health Workers (AHW) hinggil sa isyu ng health emergency allowance.
Pinangunahan ito ni Budget Secretary Mina Pangandaman kasama mga opisyal at miyembro ng nabanggit na grupo.
Pinag-usapan din dito ang mga hinaing, requests, at concerns ng mga healthcare workers, kasama na kung paano ang paglalabas ng health emergency allowance.
Kaugnay nito, muling tiniyak ng DBM na makukuha ng mga health workers ang nararapat na allowance habang sisikapin masolusyunan ang iba pa nilang hinaing.
Binigyang-diin rin ni Secretary Mina sa AHW at sa ibang mga healthworkers sa buong bansa, na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., gagawing prayoridad ng pamahalaan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga healthworkers.
Ito’y bilang pagpasasalamat sa kanilang sakripisyo at serbisyo lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Nabatid naman sa datos ng DBM, nakapagpalabas na ang ahensya sa Department of Health (DOH) ng pondong aabot sa mahigit ₱91-bilyong piso para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances for healthcare workers simula noong 2021.