DBM, nilinaw na hindi lahat ng empleyado ng gobyerno ay makakatanggap ng bonus

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Budget and Management na mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno lang ang makakatanggap ng year-end bonus.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ni Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang 14-month pay na katumbas ng isang buwang sweldo at cash gift na limang libong piso.

Sa interview ng RMN, sinabi ni Diokno na hindi kasama ang mga empleyado na nasa ilalim ng contract on service.


Sa Nobyembre disi-sais inaasahang makukuha ng mga government employee ang kanilang bonus.

Facebook Comments