UST Law Dean Nilo Divina, itinanggi na siya ang “big brother” ng Aegis Juris fraternity

Manila, Philippines – Itinanggi ni University of Santo Tomas Faculty of Civil Law dean Nilo Divina na siya ang tinutukoy na “big brother” ng Aegis Juris fraternity.

Ayon kay Divina, sa katunayan ay nalaman lang niya na may tinutukoy ang Aegis Juris na “big brother” ngayong may nangyari kay hazing victim Horacio Castillo III.

Muli ring itinanggi ni Divina na may kinalaman siya sa hazing kay Atio.


Una nang hiniling ni Divina sa Dept of Justice na ibasura ang reklamo laban sa kanya kaugnay ng pagkamatay ni Atio.

Ngayong hapon, muling ipagpapatuloy ng DOJ ang pagdinig sa nasabing kaso kung saan ina asahang magsusumite ng sagot ang pamilya Castillo at ang Manila Police District sa counter affidavit ng respondents.

Facebook Comments