Sasailalim sa dalawang linggong medical leave si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado simula ngayong araw.
Ito ay matapos ma-ospital ni Avisado dahil sa COVID-19.
Sa inilabas na pahayag ng DBM, liliban muna sa trabaho si Avisado mula August 2 hanggang 13.
Batay kasi sa sa abiso ng mga doktor, kailangang sumailalim sa magkakasunod na eksaminasyon ng kalihim dahil 14 taon na ang nakalilipas magmula nang ito ay magkaroon ng quadruple open heart bypass.
Si DBM Undersecretary Tina Rose Marie Canda naman ang pansamantalang magiging officer-in-charge ng ahensiya.
Maliban kay Avisado, ilan sa mga miyembro ng gabinete na nagpositibo rin sa COVID-19 ay sina; DILG Secretary Eduardo Año, DTI Secretary Ramon Lopez, presidential spokesperson Harry Roque, DPWH Secretary Mark Villar at DepEd Secretary Leonor Briones.