AHENTE NG LUPA, PATAY SA PAMAMARIL SA BAYAN NG BINMALEY

BINMALEY, PANGASINAN – Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na nasa likod ng pamamaril sa isang ahente ng lupa sa bayan ng Binmaley.

Ang biktima ay nakilalang si Peter Uba, residente ng Brgy. Poblacion, bayan ng Mangaldan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na katatapos kumain ng biktima sa isang restaurant at pasakay na sa kanyang sasakyan nang lapitan ng isang riding in tandem at agad na pinaulanan siya ng bala.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na dahilan ng kanyang pagkamatay habang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.


Facebook Comments