Manila, Philippines – Tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hahanapan nila ng Pondo ang libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges at Locoal Universities and Colleges.
Paliwanag ni Secretary Diokno, pinahihintulutan naman ng batas ang paglalatag nila ng bagong budget para matustusan ang libreng tertiaty education para sa mga mahihirap na Pilipino.
Matatandaan kasi na naisumite na ni Pangulong Duterte sa kongreso ang proposed 2018 national budget kaya hindi na ito maaaring bawiin o dagdagan ng ehekutibo.
Matatandaan na una nang sinabi ni Diokno na magkakaroon lang ng reallocation sa iba pang tanggapan ng pamahalaan upang mapondohan ang libreng edukasyon.
Samantala sinabi naman ni Commission on Higher Education Commissioner Prospero Popoy De Vera sa briefing dito sa Malacanang, kahapon sinimula na nila ang pagpupulong para sa pagbubuo ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng republic act number 10931
Sinabi din ni De Vera na possible ding hugutin ang pondo para a libreng edukasyon mula sa mga Scholarship Programs ng Department of Science and Technoligy, CHEd at Department of Agriculture.
DBM tiniyak na magkakaroon ng budget ang Libreng edukasyon sa tertiary level, CHED nagsimula na sa pagbalangkas ng IRR, pondo sa libreng edukasyon huhugutin sa scholarship programs
Facebook Comments