DBM, tiniyak na maipapatupad ang dagdag sahod sa mga kawani ng gobyerno

Manila, Philippines – Asahan ang umento sa sahod sa mga kawani ng gobyerno sa Pebrero.

Tantya kasi ng Department of Budget and Management (DBM) na ipapasa ng Kongreso sa susunod na buwan ang 2019 national budget.

Ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno, ang ika-apat na bahagi ng salary adjustments ay ipatutupad sa susunod na buwan.


Aniya, ipinangako ng mga mambabatas na gagawing prayoridad ang pagpasa ng 2019 General Appropriations Act sa pagbabalik sesyon nila sa susunod na linggo.

Tiniyak din ni Diokno na entitled sa kanilang salary differential ang mga government employees.

Kasabay nito, may nakatakda ring dagdag sahod sa mga manggagawa ng gobyerno sa 2020.

Facebook Comments