DBM, tiniyak na may pambili ng COVID-19 booster shot sa ilalim ng 2022 proposed national budget

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may pambili ng bakuna para sa booster shot sa ilalim ng proposed P5.024 trillion national budget.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DBM Asec. Rolando Toledo na kukunin ang pondo sa Family Health, Immunization, Nutrition and Responsible Parenting Program ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng unprogrammed appropriations.

Nabatid na nasa P252.4 billion ang pondong inilaan ng DBM para sa DOH sa 2022 na mas mataas ng 14% sa pondo nito ngayong taon.


Ayon kay Toledo, pinakamalaking bahagi ng pondo ng DOH ay gagamitin para sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Act.

Umaasa ang DBM na mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pondo sa Disyembre.

Facebook Comments